Saturday, March 12, 2016

Sariling linya ng kuryente kailangan ng Boracay – Former Energy Secretary Petilla

Posted March 12, 2016
Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay

Pinangangambahan na magdulot ng malaking problema sa supply ng kuryente ang isla ng Boracay sa hinaharap kung hindi ito mapagplanuhan na magkaroon ng sariling linya ng kuryente.

Ito ang sinabi ni former Energy Sec. Jericho Petilla sa isinagawang press briefing ng Department of Health sa Aklan kasama si DOH Secretary Janette Garin.

Nakakaranas ngayon ng panaka-nakang power interruption ang Boracay at isa sa nakita nitong dahilan ay ang kakapusan ng suplay ng kuryente na dumadaloy papasok sa isla.

Phenomenal umano ang progreso sa Boracay at kinakabahan si Petilla lalo na kapag mag-operate na ang mga bago at malalaking resort na nag-invest dahil hindi daw ito kakayanin ng kasalukuyang estado power supply.

Dagdag pa ni Petilla, kailangan muna isabatas ang paglatag ng bagong linya ng kuryente sa Boracay para hindi isingil sa konsumidor kasama na ang budget na ilalaan sa proyekto sakaling matuloy ito.

Samantala, payo din nito na hangga’t maaga pa ay kailangan na umanong upuan at paghandaan para hindi na makadulot ng anumang suliranin ang premiere tourist destination ng bansa.

No comments:

Post a Comment