Saturday, March 12, 2016

Bagong manifesto sa mga bangka sa Boracay malaki umanong pabor sa mga pasahero

Posted March 12, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for caticlan jetty port
Malaki umanong pabor para sa mga pasahero ng bangkang may biyaheng isla ng Boracay at Caticlan ang bagong manifesto na tinawag na passengers data sheet.

Ito ang pahayag ni Special Operation III Jean Pontero ng Jetty Port Administration, matapos ang kanilang ginawang implementasyon nitong Miyerkules sa pangunguna ng Philippine Coastguard (PCG).

Sinabi nito na may kabilisan na ang operasyon ng mga bangka dahil sa hindi na kailangang magsulat sa manifesto sa loob ng bangka ang mga pasahero.

Bagamat mayroon umanong mga nagtataka at ilang reklamo hindi naman umano ito maiiwasan kung saan sa kabuuan ay naging maayos naman ang naturang implementasyon.

Samantala, pinayuhan naman ni Pontero ang mga pasaherong sasakay ng bangka papuntang Boracay at Caticlan na kailangang sundin ang naturang patakaran para maiwasan ang delay ng biyahe kung saan tuloy-tuloy na rin itong ipapatupad.

No comments:

Post a Comment