Friday, March 11, 2016

Preparasyon ng BRTF para sa Summer events sa Boracay nakalatag na

Posted March 11, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Nakalatag na ngayon ang paghahanda ng Boracay Redevelopment Task Force (BRTF) sa mga mag-oorganisa ng summer events sa isla ng Boracay.

Ayon kay BRTF Secretariat Head Mabel Bacani, simula na ang kanilang paghahanda at pagmonitor sa mga nais magdala ng kanilang mga event kung saan nakatutok  umano sila sa La Boracay events.

Kaugnay nito, sinabi pa ni Bacani na magkakaroon muna sila ng meeting bago umano mag-operate ang isang event kung saan nakiki-pagtulungan umano sila sa Boracay Action Group (BAG), Medical Responders, at Solid Waste Management para sa maayos at maganda ang kalalabasan nito.

Samantala, payo naman nito sa mga may-ari na mag-cooperate lang sa mga rules and regulations lalong-lalo na sa kanilang isasagawang event na wag masyadong lakihan ang kanilang set-up dahil nasa Anti-terrorism campaign umano ang isla ng Boracay para maging komportable ang lahat ng bakasyonista.

Dagdag pa nito na panatalihing malinis ang lugar at wag kalimutang i-segregate ang mga kalat at kung maari  ang bilhin na mga inumin ay yaong mga bottle can upang maiwasang mabasag ang bote.

No comments:

Post a Comment