Wednesday, March 09, 2016

Construction ng naudlot na extension port sa Cagban nakatakda ng ituloy

Posted March 9, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for cagban portNakatakda na umanong ituloy ang naudlot na extension port sa Cagban base sa pahayag ni Jetty Port Administrator Niven Maquirang.

Ayon kay Maquirang na-hold umano kasi ito ng contractor na siyang may hawak ng proyekto dahil sa nagkaroon ng pagbabago sa program of works.

Dahil dito hahabaan umano ang existing 40 meters port ng additional 100 meters na dinadaungan ng mga bangka kung saan lalagyan na din ito ng daungan ng mga ferry.

Maliban dito sinabi naman ni Maquirang na mahirap ang magkaroon ng dredging sa Cagban Port dahil sa mabato ang nasabing daungan hindi kagaya ng Cagban Jetty Port na nakatakdang e-dredging upang hindi mahirapang makadaong ang mga bangka.

Samantala, isa sa mga plano sa Cagban Port ay gawing fully air-conditioned ang buong terminal area, paglagay ng check-in counter para sa mga eroplanong may biyaheng Caticlan Aiport at Kalibo International Airport at ang bagong parking area ng mga tricycle sa loob ng pantalan.

No comments:

Post a Comment