Monday, March 07, 2016

Nag-bibinta ng illegal na droga sa Malay, huli sa buy-bust operation

Posted March 7, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for DRUGSTimbog sa isinagawang buy-bust operation ng Malay Municipal Police Station ang nag-bibinta ng illegal na droga kagabi.

Nakilala ang suspek na si Roger Pamularco 35-anyos residente ng Bicutan, Taguig, Manila at temporaryong nakatira sa Brgy. Caticlan sa nasabing bayan.

Ayon kay PO1 Gerald Ilig, nahuli umano ang suspek ng Malay MPS, sa pamamagitan ng isang pusher buyer kung saan nakuha sa posisyon nito ang isang transparent sachet ng shabu.

Sinabi pa ni Ilig na tumangka pang tumakas ang suspek papasok sa kanilang bahay ngunit agad din itong na-corner ng mga pulis kung saan nakuha pa sa kanya ang dalawa suspected shabu at isang dried marijuana.

Ang suspek ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 11, 5 at 12 o Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 kung saan wala namang nakalaang piyansa para rito.

Sa ngayon ang suspek ay pansamantalang iki-nustodiya sa lock up cell ng Malay PNP habang hinihintay pa ang resulta ng isinagawang laboratory para ilipat sa BJMP Kalibo.

No comments:

Post a Comment