Tuesday, March 08, 2016

46-anyos na photographer , kulong sa buy-bust operation sa Boracay

Posted March 8, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for drugsKulong ngayon sa Boracay Police Assistance Center o (BTAC) ang 46-anyos na Photographer matapos mahuli sa buy-bust operation sa Brgy. Manoc-manoc Boracay.

Sa pinag-samang pwersa ng Provincial Anti Illegal Drug Special Operations Task Group (PAIDSOTG/PSOG) , Kalibo PNP at Boracay PNP nahuli ang suspek na si Christian Belmonte alyas “aki” residente ng Roxas City at temporaryong nakatira sa Brgy. Andagao, Kalibo, Aklan.

Nakuha sa suspek ang apat na sachet ng suspected shabu, kutsilyo at cellphone na naglalaman ng illegal transaction.

Sa ngayon ang suspek ay nakatakda naman sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

No comments:

Post a Comment