Wednesday, March 09, 2016

British national sa Boracay patay sa Pulmonary arrest

Posted March 9, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for patay
Patay sa Pulmonary arrest ang isang turistang British national nitong ala-ona ng hapon sa Sitio. Tulubhan Brgy. Manoc-manoc Boracay.

Sa report ng Aklan Police Provincial Office (APPO), nakatanggap umano ng tawag ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) mula sa Metropolitan Doctors Medical Clinic na merong dinala doon na pasyenteng British national.

Nakilala ang namatay na si William Servis, 77-anyos at pansamantalang nakatira sa nasabing lugar.

Nabatid na ang ikinimatay ng biktima ay Pulmonary arrest secondary to chronic obstructive pulmonary disease kung saan nakatakda namang dalhin ang labi nito sa isang punerarya sa bayan ng Malay.

No comments:

Post a Comment