Friday, March 11, 2016

“Oplan Ligtas Biyahe” ng Caticlan Jetty Port ikakasa na para sa Semana Santa

Posted March 11, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay 

Semana Santa o Holy Week ang isa sa mga araw na dinadagsa ng maraming turista ang isla ng Boracay dahil sa mahabang bakasyon.


Dahil dito ikinakasa na rin ngayon ng Jetty Port Administration ang kanilang paghahanda para sa pagdagsa ng maraming turista sa Boracay.

Ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Jetty Port Administration, ngayon umanong darating na Marso 15, 2016 ay nakatakda silang maglatag ng meeting kasama ang mga law enforcement agencies at iba pang ahensya ng gobyerno para pag-usapan ang ihahandang seguridad.

Dito nakatakda umano nilang ilatag ang “Oplan Ligtas Biyahe” na ipapatupad bago ang pagsisimula ng Semana Santa hanggang sa Marso 28.

Katuwang umano nila rito ang Philippine Coastguard na mahigpit na magpapatupad sa biyahe ng mga bangka gayon din ang mabusising inspeksyon sa mga bagahe ng mga pasahero kasama na ang sa Ro-ro vessel.

Nabatid na libo-libong mga Pinoy kasama na ang mga foreign tourist ang pumupunta sa isla ng Boracay sa panahon ng kwaresma o paggunita sa pagkamatay at pagkabuhay ni Hesu Kristo kung saan walang pasok sa mga paaralan, tanggapan ng gobyero at ilang mga private offices bansa.

No comments:

Post a Comment