Friday, March 11, 2016

Staff ng isang bar sa Boracay, ini-reklamo matapos hamunin ng away ang costumer

Posted March 11, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay


Ini-reklamo ng isang costumer ang staff ng isang Bar sa station 1 Balabag, Boracay kaninang 2:50 ng madaling araw matapos umano itong maghamon ng away.

Nakilala ang biktima na si Joss Cyril Abatayo 27-anyos, isang turista at temporaryong nakatira sa isang hotel sa Boracay.

Sumbong ni Abatayo sa Boracay PNP, nag-iinuman umano sila sa loob ng bar ng lapitan sila ng isang staff nito at pinagsabihan na magsasarado na sila kung saan sinabi din umano nito sa inirereklamo na hindi pa naubos ang kanilang inorder na alak.

Dahil dito, nagalit umano ang suspek at pinatay ang electric-fan at pinilit silang paalisin sa lugar.

Ngunit ng nasa labas na umano sila ay kung ano-ano pang masasamang salita ang binitawan sa kanila ng suspek kung saan pati umano sa pagsakay nila ng tricycle ay tinangka pa silang lapitan at hinamon ng away.

No comments:

Post a Comment