Thursday, March 10, 2016

Restaurant sa Puka Beach nasunog, danyos umabot sa P60 K

Posted March 10, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Sa paggunita ng Fire Prevention month ngayong buwan ng Marso, isang sunog naman ang sumiklab sa Puka Beach, Yapak Boracay alas-10 kagabi.

Ayon kay Fire Officer 3 Franklin Arubang ng Bureau of Fire Protection (BFP) alas- 10 kagabi ng makatanggap sila ng tawag na may nangyayaring sunog sa nasabing lugar na agad naman nilang ni-respondihan.

Sinabi nito na nag-simula ang apoy sa kusina ng Camayan Restaurant na pagmamay-ari ni Nadia Salibio kung saan mabilis din itong kumalat sa buong kainan dahil sa gawa lamang ito sa light materials.

Samantala, tinayatang umabot sa mahigit kumulang P60, 000 ang pinsala sa nangyaring sunog kung saan idi-neklara rin itong fireout alas dakong 10:30 kagabi.

Nabatid na wala namang nasaktan sa nangyaring insidente kung saan ini-embistigahan pa  ngayon ng Boracay BFP ang sanhi sa nangyaring sunog.

No comments:

Post a Comment