Wednesday, March 09, 2016

Babae, pinag-tulungang saktan ng isang babae at bading

Posted March 9, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for police blotterGalos  sa ibat-ibang parti ng kanyang katawan ang tinamo ng isang babae sa loob ng bar sa Brgy. Balabag, Boracay.

Nakilala ang biktima na si Aiza Bautista 21-anyos residente ng Talisay, Pandan, Antique at temporaryong nakatira sa Pinaungon ng nasabing Brgy.

Sa resport sa Boracay PNP, pinag-tulungan umano siyang pag-sasabunutan at pag-kakalmutin ng dalawang suspek na si April Joy Castillo at certain Adilyn Balisong na isang bading.

Nabatid na sama ng loob ang tinitingnang dahilan kung bakit nagawa ng suspek ang pananakit sa biktima kung saan ang kaso ay idinulog naman sa Brgy. Justice System ng Balabag.

No comments:

Post a Comment