Saturday, March 12, 2016

Lalaki, nag-reklamo matapos suntukin at hampasin ng bote

Posted March 12, 2016
Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay      
        
Image result for police blotterMahilio-hilo pang nagsumbong ang isang lalaki sa Boracay PNP, matapos itong hampasin ng bote at suntukin sa Mainroad ng Sitio Bantud, Brgy. Manoc-manoc, Boracay.

Nakilala ang biktimang si Samuel Sancho Jr. 21-anyos residente ng Dalipdip, Altavas, Aklan at temporaryong nakatira sa Cagban Bubon ng nasabing Brgy.

Sa report nito sa Boracay PNP, papauwi na umano ito sa kanyang bahay ng bigla itong tambangan ng dalawang hindi nakilalang lalaki kung saan hinampas ito ng bote sa kanyang ulo at hindi pa umano ito nakuntento at sinuntok pa siya sa kanyang kanang mukha at mabilis namang tumakas.

Nabatid na dahil sa madilim ang lugar kaya hindi nito nakilala ang dalawang suspek na sinasabing napag-tripan lamang ito.

No comments:

Post a Comment