YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, March 09, 2016

HRP Boracay, plantsado na ang schedule of activities para sa Semana Santa

Posted March 9, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Plantsado na ang schedule of activities ng Holy Rosary Parish (HRP) Boracay ngayong Semana Santa.

Sa ibinigay na schedule ng Holy Rosary Parish, nakalatag na ang schedule sa susunod na linggo March 20 Palm Sunday alas 8:00 ng umaga na pangungunahan ni Bishop Jose Corazon Tala-oc, sa March 21 naman ang “Kumpisalang Bayan” sa pareho ring oras, March 22 naman alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon ang Visitataion of Apostoles, sa Holy Wednesday naman ng March 23 ang Novena to the Our Lady of Perpetual Help ng alas-4:30 ng hapon.

Image result for holy rosary parish boracaySamantala, sa Huwebes Santo naman ay magkakaroon ng Mass of the Last Supper sa ganap na alas-4 ng hapon.

Sa Marso 25 naman o Good Friday , araw kung kelan namatay ang panginoon ay sisimulan ang aktibidad sa pamamagitan ng Live Station of the Cross na susundan ng Confession at Siete Palabras sa ganap na alas-12 ng tanghali.

Ang Commemoration naman sa pagkamatay ng panginoon ay mangyayari alas 3 ng hapon.

Sa  Black Saturday naman ng alas-8 ng gabi ang Easter Vigil Mass March 26, at sa Easter Sunday o Linggo ng pagkabuhay , alas -5 ng umaga ang misa ng “Pagsalubong” at susundan ito ng alas-10 na may Pre-Baptismal Catechesis.

Ang Semana Santa ay isa sa pinakamahalagang relihiyosong debosyon ng mga Pilipino kung saan isinasagawa ang lahat ng ito upang alalahanin ang mga paghihirap at ang pagkamatay ni Hesus para sa sangkatauhan.

No comments:

Post a Comment