Wednesday, March 09, 2016

Dalawang lalaki huli sa panibagong buy-bust operation sa Caticlan, Malay

Posted March 9, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for buy bust drugsPanibago na namang buy-bust operation ang isinagawa sa brgy. Caticlan sa bayan ng Malay kaninang alas-2:15 ng hapon.

Sa pinagsamang pwersa ng Malay Municipal Station, huli ang dalawang suspek sa pagbibinta ng illegal drugs na sina Clinton Saltorre y Jalandoni, 35-anyos at Ace Ablanque y Alarcon 26-anyos at parehong residente ng Bacolod City at presenteng nakatira sa brgy. Caticlan.

Nakuha sa mga ito ang isang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng suspected shabu kasama ang buybust money.

Sa ngayon patuloy parin ang ginagawang inventory ng mga pulis kung saan nakatakda namang sampahan ang mga ito ng kasong paglabag sa Republic Act 9165.

No comments:

Post a Comment