YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, March 12, 2016

Secretary Garin, pinangunahan ang paghatid ng mga proyekto ng DOH sa Aklan

Posted March 12, 2016
Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay

Pinangunahan ni DOH Secretary Janette Garin ang ang isinagawang Groundbreaking Ceremony para sa panibagong extension building ng Dr. Rafael S Tumbukon Memorial Hospital sa bayan ng Kalibo.

Ang tatlong palapag na hospital building ay nagkakahalaga ng P132.3-M na pinunduhan ng Department of Health na bahagi ng Health Facilities Enhancement Program ng departamento.

Pagkatapos ng ground breaking ceremony na kung saan ay dinaluhan din nina Aklan Governor Florencio Miraflores at iba pang provincial officials ng Aklan ay namahagi rin ang kalihim ng mga medical equipments sa lahat ng mga Health Centers, Rural Health Unit, at mga District Hospitals sa 17 bayan sa Aklan.

Ang bayan ng Malay ay isa sa mga tumanggap ng mga gamit-pangkalusugan tulad ng mga Digital BP Apparatus, Dressing Set, Thermometers, Glucometers, Nebulizers, at marami pang iba na personal na tinanggap ng mga kawani ng Malay Health Office.

Ayon kay Garin, mapalad ang Aklan dahil isa ito sa mga probinsya na na-handogan ng mga proyektong tulad nito kung saan higit na makakatulong at maka benipisyo dito ang mga mahihirap at walang kakayahan na mag pagamot sa pribadong hospital.

Samantala, ayon kay Miraflores ang Don Ciriaco Tirol Memorial Hospital sa Boracay ay isa din sa priority project ng DOH at ng Provincial Government na minamadali na para mapakinabangan ng mga taga-isla subalit nagkaroon ng mga delay dahil umano sa problema sa boundary at drainage  sa area.

No comments:

Post a Comment