Thursday, March 10, 2016

22-anyos na fish vendor, huli sa pagbibinta ng illegal na droga

Posted March 10, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay 

Image result for buy bust operationHuli sa pag-bibinta ng illegal na droga ang isang 22-anyos na fish/sea vendor sa Sitio Diniwid, Brgy. Balabag, Boracay.

Nakilala ang suspek na si Levi Abello, residente ng Poblacion, New Washington Aklan at temporaryong nakatira sa Sitio Bolabog, Boracay.

Sa report ng Boracay PNP, nahuli ang suspek sa pamamagitan ng isang pusher buyer kung saan nakuha sa kanya ang dalawang sachet ng suspected shabu buy-bust money na isang libo at isang unit ng cellphone na naglalaman ng illegal transaction.

Sa ngayon ang suspek ay naka-kustudiya na sa Boracay PNP, at naka-takdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

No comments:

Post a Comment