Monday, March 07, 2016

Lalaki arestado sa carnapping ng motorsiklo sa bayan ng Kalibo

Posted March 7, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for carnappingMismong ang may-ari ng motorsiklo ang nakakakita ng kanyang motor na minamaneho ng suspek na si Zanie John Paul Zorca, 25-anyos ng Brgy. Ogsip, Libacao, Aklan.

Sa report ng Aklan Police Provincial Office (APPO), nakatanggap umano ng text message ang Kalibo Municipal Police Station sa mismong may-ari ng motor na kinilalang si Jofel David, 29-anyos ng Brgy. Mataphao, New Washington, Aklan.

Dahil dito agad namang pinuntahan ng mga pulis ang lugar kung saan ang kinaroroonan ng suspek at doon ay naaabutan nila si Zorca na agad naman nilang dinala sa nasabing himpilan.

Nabatid na ang nasabing motor ay nawawala umano noon pang nakaraang Oktobre 3, 2015.

Sa ngayon ang suspek ay naka-kustudiya na sa Kalibo Municipal Police Station para sa karampatang disposisyon.

No comments:

Post a Comment