Thursday, March 10, 2016

PHO Aklan, may paalala sa mga mag-babakasyon ngayong summer season

Posted March 10, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Nauuso na naman umano ngayong panahon ng Summer ang mga sakit kagaya ng sore eyes, pag-susuka, rushes at iba pa na may kinalaman sa panahon ng tag-init.

Kaya naman may paalala ngayon ang Aklan Provincial Health Office (PHO) sa publiko na mag-ingat at wag basta-bastang lumabas ng bahay dahil sa sakit na pwedeng dumapo sa kanilang katawan.

Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon, Provincial Health Officer ng PHO-Aklan, kung makaranas umano ng isa sa mga sakit na uso ngayong tag-init ay agad na kumunsulta sa malapit na pagamutan para mabigyan ng agarang medikasyon.

Sa kabila nito, nag-paalala din si Cuachon sa mga nag-babalak na pumuntang beach na magdala ng sun-block upang ma-proteksyunan ang kanilang balat sa sunburn na isa sa itinuturing na sanhi sa pagkakaroon ng cancer sa balat.

Maliban dito, pinayuhan din nito ang lahat na huwag masyadong i-expose ang balat sa init, uminom ng maraming tubig at magsuot ng light colored na damit para hindi masyadong mainit sa paningin.

No comments:

Post a Comment