Monday, March 07, 2016

Anti-rabies vaccines, ipamamahagi ng PHO Aklan

Posted March 7, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for rabies
Bilang paghahanda para sa Rabies Awareness and Advocacy Campaign ng Provincial Health Office (PHO) Aklan handog nila ngayon ang treatment para sa Anti Rabies Vaccines.

Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon, Provincial Health Officer ng PHO-Aklan isa ngayon ang Kalibo sa may pinaka-mataas na kaso ng rabies.

Kung kayat  handog umano nila ngayon na matulungan ang mga pasyenteng nakagat ng ibat-ibang hayop kung saan kabilang ito sa kanilang ginagawang kampanya para sa “Eliminate for Rabies Campaign sa 2020”.

Dahil dito, magbibigay din umano sila sa mga health centers sa tatlong bayan na kinabibilangan ng Banga, Numancia at New Washington na nakitaan din ng mataas na record ng may naitalang kaso ng rabies.

No comments:

Post a Comment