Monday, March 07, 2016

Bagong manifesto sa mga bangka sa Boracay gagamitin na ngayong Miyerkules

Posted March 7, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay  

Simula ngayong araw ng Miyerkules iba na ang gagamiting manifesto ng mga pasaherong sasakay sa mga bangka sa Caticlan at Boracay vice versa.

Ito ang pahayag ni Jetty Port Administrator Niven Maquirang sa himpilang ito, matapos silang dumaan sa ilang serye ng meeting, proposal at suggestion para sa bagong pag-papatupad ng manifesto.

Ayon kay Maquirang, ang ideya umanong ito ay napag-kasunduan nila ni Lt. Edizon Diaz ng Philippine Coastguard at inaprobahan naman ng CBTMPC, LGU Malay, BAG at ni Island Administrator Glen Sacapaño.

Nabatid na kung kung ikaw ay kukuha ng ticket sa bangka ay may kasama ng ibibigay sayo na maliit na passengers data sheet na iyong susulatan ng panglan at ibibigay sa boatman kung saan ka sasakay na bangka.

May nakalaan na rin umanong mga lamesa at ballpen sa bawat pantalan kung saan pweding magsulat ang mga pasahero ng kanilang pangalan kasama na ang address at edad.

Samantala, makukuha ang nasabing manifesto sa boat ticketing booth at walang bayad kung saan hindi ka maaaring pumila pasakay ng bangka kung wala ka nito, at kung hindi naisulat ang iyong pangalan dahil ito umano ang panghahawakan ng Coastguard sakaling magkaroon ng insidente sa bangka.

Ang sistemang ito ang siya ngayong solusyon sa sinasabing mabagal na operasyon ng mga bangka sa Boracay kung saan isa rin sa itinuturong dahilan ay ang kasalukuyang ginagamit na manifesto kung saan sa loob kapa ng bangka magsusulat ng iyong pangalan.

No comments:

Post a Comment