Wednesday, March 09, 2016

Imbestigasyon sa mga motorsiklo sa Boracay na may special permit nagpapatuloy

Posted March 9, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nagpapatuloy pa sa ngayon ang imbestigasyon ng Sangguniang Bayan ng Malay hinggil sa mga sinasabing may mga special permit na single motorcycle sa Boracay.

Ito’y matapos talakayin sa ika-10th Regular SB Session ng Malay kahapon ang nakaraang Privilege speech ni SB Member Frolibar Bautista, tungkol sa umanoy mga single motorcycle na mayroong peking permit to transport.

Sa report ni Bautista sinasabi nito na mayroong nasa likod ng katiwalaan kung kayat ipinag-utos naman nito sa Committee on Transportation na imbestigahan ang naturang pamemeke.

Sa kabila nito, mayroon din umanong mga motorsiklo na hinuhuli sa Boracay dahil sa nasabing permit kung saan ang penalidad ay P2, 500 ngunit dumadating umano sa sistema na nagiging P500 nalang ang kanilang babayaran dahil may sa likod din umanong nag-mamanipula nito.

Samantala, pinaiimbestigahan na rin ngayon ng Sangguniang Bayan kung patuloy parin ang nasabing sistema ng hindi pagsunod ng tamang paniningil sa penalidad P2, 500 na itinakda ng LGU Malay.

No comments:

Post a Comment