Wednesday, March 09, 2016

Boracay Photographers Association nilinaw na hindi nila miyembro ang nahuli sa buybust operation

Posted March 9, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for huli sa buy bustNilinaw ngayon ng Boracay Photographers Association Inc. (BPAI) na hindi na nila miyembro ang suspek na nahuli sa buybust operation nitong nakaraang linggo sa Manoc-manoc, Boracay.

Ito’y matapos marami umanong lumabas na haka-haka na ito ay kabilang sa kanilang grupo bilang photographer sa isla.

Ayon kay BPAI President Ernesto Bandiola Cruz, matagal ng wala sa BPAI si Christian Belmonte alyas “aki” ng Roxas City na nahuli sa illegal drugs.

Iginiit naman ni Cruz na bago niya tanggapin ang kanyang mga miyembro ay sumasailalim muna ang mga ito sa drugtest para sa maayos na operasyon sa isla ng Boracay.

Samantala, sinabi pa nito na wala na rin umanong permit si Belmonte bilang isang photographer sa isla ng Boracay.

Si Belmonte ay nahuli nitong Sabado sa pinagsamang pwersa ng Provincial Anti Illegal Drug Special Operations Task Group (PAIDSOTG/PSOG), kasama ang Kalibo at Boracay PNP kung saan nakuha naman sa posisyon nito ang apat na sachet ng suspected shabu.

No comments:

Post a Comment