Tuesday, March 08, 2016

Women’s Month Celebration, ginunita ngayon

Posted March 8, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Bilang pag-gunita ng Womens Month Celebration mahigit 600 na kababaihan ang dumalo sa inorganisang programa sa Capitol Building ng Kalibo ngayong araw.

Ito umano ay inorganisa ng Aklan Gender and Development Commission (AGDC) kung saan naging bahagi rin umano dito ang ibat-ibang ahensya ng Kalibo.

Ayon kay Secretary Mevelyn Mendoza ng (AGDC), nabigyan umano ang mga kababa-ihan mula sa ibat-ibang bayan libreng serbisyo kagaya ng paggugupit, massage, Pneumonia Vaccine, Oral dental Chech-up, HIV testing at marami pang-iba.

Layunin naman ng nasabing programa na mabigyan ng tamang suporta ng LGU Kalibo ang mga babae sa kanilang pangangailangan kung saan nakapaloob nga dito ang temang “ Kapakanan ni Juana, isama sa Agenda”. 

No comments:

Post a Comment