Monday, March 07, 2016

Palagiang pagbaha sa Ambulong Boracay mabibigyan na ng solusyon

Posted March 7, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nabigyan na umano ngayon ng solusyon ang palagiang pagbabaha sa Sitio. Ambulong Manoc-Manoc, Boracay, Station 3 Malay, Aklan.

Ayon kay Manoc-manoc Brgy. Captain at Liga President Abram Sualog, ongoing umano ngayon ang ginagawang construction sa kalsada sa Ambulong para hindi na uli ito bahain.

Sinabi nito na hinahabol nila itong matapos bago ang panahon ng tag-ulan kung saan isa ito sa mga lugar na binabaha sa Boracay.

Nabatid na naglagay sila ng pipe para lamang sa tubig ulan na kumukunekta naman sa ginawang drainage ng DPWH papuntang Tulubhan area.

Samantala, maiibsan na rin umano ang trapiko sa nasabing lugar sa sandaling wala ng pagbabaha sa kalsada sa Ambulong.

No comments:

Post a Comment