Monday, March 07, 2016

Graphic artist sa Boracay, nabiktima ng robbery

Posted March 7, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for ROBBERYNahihilo pa ang isang lalaking nagsumbong sa Boracay PNP matapos hablutin nito ang kanyang bag habang nakaupo sa kalsada sa harapang ng isang hotel sa Brgy. Manoc-manoc, Boracay kanina.

Nakilala ang biktimang si Rex Valdez 33-anyos isang Graphic Artist, residente ng Aurora Province at nanunuluyan sa Sitio Ambulong sa nasabing Brgy.

Nabatid na napa-upo umano ito sa gilid ng kalsada dahil sa kalasingan ng bigla itong nilapitan ng suspek na sakay ng motorsiklo  at mabilis na hinablut ang kanyang bag at mabilis na tumakas.

Tinangka naman umanong agawin ng biktima ang kanyang bag pero sinipa siya ng suspek sa kanyang kaliwang paa kung kayat hindi na niya ito nabawi pa.

Sa ngayon, ini-imbestigahan na ng mga pulis ang nangyaring insidente.

No comments:

Post a Comment