Monday, March 14, 2016

Korean national, kulong matapos magwala at manira ng gamit

Posted March 14, 2016 
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for lalaki kulongSa kulungan na ng Boracay PNP inabot ng umaga ang isang turistang Korean National matapos itong magwala at manira ng gamit sa Gregorio residence sa Sitio Bantud Brgy. Manoc-manoc, Boracay kaninang madaling araw.

Nakilala ang nag-rereklamo na isa ring Korean national na si Yoo Ji Young 42-anyos at ang may ari ng residensya na si Rafael Gregorio 50-anyos.

Ayon sa mga pulis, pinasok umano ng suspek na si Jung Ui Young “alyas” Gerald 34-anyos ang kwarto ni Young at walang kadahil-dahilan ay sinira nito ang mga gamit ng una.

Maliban dito nadamay din sa pang-wawala ang aso ng biktima na agad namang dinala sa isang veterinary clinic para mabigyan ng medikasyon.

Nabatid na nasa ilalim ng nakakalasing na inumin ang suspek na ngayon ay pansamantalang naka-kustudiya sa Boracay PNP.

No comments:

Post a Comment