Saturday, March 05, 2016

2016 budget ng Kalibo, dinis-aproba ng SP Aklan

Posted March 5, 2016
Ni Inna carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for budgetDinis-aproba ngayon ng Sangguniang Panlalawigan Aklan ang 2016 budget ng Kalibo.

Sa ginanap na 6th SP Regular Session, hindi umano ito inaprobahan ng mga myembro ng SP Aklan kung saan ang naturang budget ay nagkakahalaga ng P224, 139, 643.40 para sa budget ng bayan ng Kalibo.

Dahil dito, nagpasa naman ang isang miyembro ng SP ng motion for resolution para muli itong talakayin sa darating na Miyerkules sa 7th regular session.

Kaugnay nito, ikinalungkot naman umano ito ng alkade ng Kalibo na si Mayor William Lachica dahil sa hindi pag-abroba ng nasabing budget na ilalaan sa ibat-ibang proyekto sa bayan ng Kalibo.

No comments:

Post a Comment