Saturday, January 23, 2016

Vaccine handog para sa mga Senior Senior Citizen sa Balabag

Posted January 23, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for vaccinePatuloy ngayon ang pagbibigay benipisyo sa pamamagitan ng Vaccine for Flu para sa mga Senior Citizen sa Brgy. Balabag sa isla ng Boracay.

Ayon kay Punong Brgy. Lilibeth Sacapaňo, ito umanong ibinibigay nilang vaccine ay para maprotektahan at hindi agad makapitan ng sakit ang mga matatanda.

Nais naman ni Sacapaňo na lahat ng mga Senior Citizen sa nasabing brgy. ay sumailalim sa nasabing vaccine.

Samantala, pina-alalahanan naman ni Sacapaňo ang mga Senior Citizen na huwag matakot na subukan ito dahil para din umano ito sa kanilang kalusugan. 

No comments:

Post a Comment