Friday, January 22, 2016

Bagong Brgy. Hall ng Balabag palalagyan na ng Health Center

Posted January 22, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay


Isa lamang umano ang Health Center sa idadagdag na bagong pasilidad sa patuloy na renovation ng Brgy. Hall ng Balabag sa isla ng Boracay.

Ayon kay Punong Brgy. Lilibeth Sacapaňo, nilakihan umano ito para narin magkaroon ng opisina ang Brgy. Tanod kasama na ang pagsasaayos ng silid-aralan ng Day Care Center.

Maliban dito, isa ring Session hall ang ilalagay sa ikalawang palapag ng gusali at sa ikatlong palapag naman ang Function Hall.

Sinabi naman ni Sacapaňo na hindi pa nito matiyak kung kaylan ito matatapos ngunit nais nitong makumpleto ang construction bago magtapos ang kanyang termino ngayong taon.

Samantala, sa kabila ng ginagawang construction ay tuloy parin sa pag-aasikaso ang mga Brgy. employees para sa renewal ng mga permit sa nasabi ring gusali.

No comments:

Post a Comment