Wednesday, January 20, 2016

Casino sa Boracay may Moratorium

Posted January 20, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Hindi na maaaring makapag-operate ang Casino at Foreign Junket Gaming at iba pang PAGCOR games sa isla ng Boracay.

Ito’y sa sandaling maapronahan sa Sangguniang Bayan ng Malay ang resolusyon na nag-dedeklara ng Moratorium sa pag-isyu ng endorsement sa aplikante para sa pag-apply ng endorsement at mayor’s permit sa pag-operate ng Casino at mga nasabing laro sa bayan ng Malay partikular sa isla ng Boracay.

Ang resolusyong ito ay ini-akda ni Liga President at Manoc-manoc Brgy. Captain Abruam Sualog kung saan isinalang ito kahapon sa Incoming and Referral sa ginanap na 3rd Regular Session sa bayan ng Malay.

Nabatid na may mga nauna ng aplikasyon na natanggap ang SB Malay ngunit sinasabing exempted na ito sa nasabing moratorium sakaling maaproba ito.

Maalalang madami na ang nag-paabot ng pag-nanais na mag-operate ng Casino sa Boracay ngunit ilang grupo rin ang nagbabawal nito na makapasok sa isla.

No comments:

Post a Comment