YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, January 18, 2016

Reclamation area sa Caticlan, gagamitin ngayong peak season sa Boracay

Posted January 18, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nagkaroon ng immediate plan ang Sangguniang Bayan ng Malay at ang Jetty Port Administration ngayong peak season sa Boracay.

Ito ay para hindi na maulit ang nangyaring haba ng pila at ubusan ng mga bangka nitong holiday season lalo na nitong bagong taon na sinasabing dalawang bangka lang ang nag-operate.

Dahil dito gagamitin pansamantala ang reclamation area sakaling dumami ang pasahero upang maiwasan ang delay ng mga turistang may flight pauwi sa kanilang mga lugar. 

Base sa pahayag ni Jetty Port Administrator Niven Maquirang isasangguni umano nito kay Governor Joeben Miraflores na maglagay ng pontoon sa area tuwing low tide.

Maliban dito, maglalaan din umano ang Caticlan Boracay Transportation Multi Purpose Cooperative (CBTMPC) ng pontoon para lamang may madaungan ang ibang bangka.

Sinabi pa ni Maquirang na mayroon na rin silang long term plan kagaya ng pagpapalaki ng terminal area, pag-utilize ng existing port at rampa upang ma-accommodate ang marami pang bangka.

Ang reclamation area sa Caticlan Jetty Port ay tatayuan ng malaking terminal area na tatlong palapag kasama ang parking area, hotel at shopping mall na sinasabing uumpisahan na ngayong taon.

No comments:

Post a Comment