YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, January 22, 2016

Yellow Submarine sa Boracay idadaan sa validation ngayong araw

Posted January 22, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for validationNgayong araw na ang nakatakdang validation na isasagawa ng Municipal Development Guideline Review Committee (MDGRC) katuwang ang Boracay Redevelopment Task Force (BRTF) sa Yellow Submarine sa Boracay.

Ayon kay BRTF Secretary Mabel Bacani, alas-10 ngayong umaga ang kanilang gagawing validation para malaman kung ang isinumiting report ng submarino ay totoo.

Sinabi pa ni Bacani na ang validation ay para matingnan din ang safety procedures at ang rota nito kung saan ang mahalaga umano nito ay hindi dumating na masira niya ang turismo at  huwag mag-pollute.

Dagdag pa nito, ang Submarino ay may layong 2 kilometro mula sa beach area sa station 1  at may 100 meters movement kung saan gagalaw lamang umano ito ng 50 meters forward at 50 meters backward at hindi umano kagaya sa operasyon nito sa Cebu na umiikot sa karagatan na siyang sinasabing may mga nasirang korales.

Maliban dito, malalaman naman rito kung ang area ng nasabing submarine ay walang maaapektuhang korales base na rin sa isinumiting dokumento ng kumpanya na humahawak nito.

Samatala, matapos umano ang isasagawang validation ay muli itong uupan para pag-usapan kasama ang ibat-ibang head ng mga concern agencies upang malaman ang kanilang magiging desisyon para sa operasyon ng Yellow Submarine kung saan provisional pa lamang umano ang kanilang maibibigay rito dahil dadaan pa sa ilang pag-uusap.

Nabatid na ang nasabing Submarine ay galing sa Cebu kung saan naging kontrobersyal umano ito noong taong 2013 at nasuspendi dahil sa nagkaroon ng problema.

No comments:

Post a Comment