Thursday, January 21, 2016

Sulat para sa Malay PNP kaugnay sa Police Clearance naipadala na ng SB Malay

Posted January 21, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Malay PNP StationNaipadala na umano ng Sangguniang Bayan ng Malay ang sulat para sa Malay PNP Station kaugnay sa hiling na ibalik pansamantala ang pagkuha ng Police Clearance sa isla ng Boracay.

Ito’y matapos ang hiling ni SB member Leal Gelito na kung maaari ay maglagay ng Satellite Office ang Malay PNP sa Boracay para hindi na mahirapan ang mga manggagawa sa isla na tumawid para kumuha ng nasabing clearance.

Nabatid na ang dating pag-process ng Police Clearance sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ay inilipat sa Municipal Police Station matapos ang ipinalabas na mandato ng kanilang higher officials dahil sa ang BTAC umano ay isang tourist police at hindi municipal police.

Umani naman ito ng ibat-ibang reaksyon sa mga taga-Boracay kung saan ilang beses pa umano silang pipila bago makakuha ng Police Clearance sa Malay PNP Station.

Hindi na umano otorisado ngayon na mag-isyu ng Police Clearance ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) matapos ang mahigit pitong taong serbisyo nito sa mga taga Boracay.

No comments:

Post a Comment