YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, January 20, 2016

Tricycle driver sa Boracay inireklamo ng turista dahil sa paniningil ng mahal

Posted January 20, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for pera o salapi sa kamayInireklamo ng isang turistang British national ang isang driver ng tricycle na kanilang sinakyan dahil sa over pricing kaninang madaling araw sa Station 2 Brgy. Balabag, Boracay.

Sumbong ng biktimang si David Jeremy Deveruex-Hickman 47-anyos sa Boracay PNP, sumakay umano sila ng nasabing sasakyan kasama ang dalawang kaibigan at asawa nito papunta sa restaurant sa station 2 kung saan sa pagbaba nila ay sinigil umano sila ng driver ng P 70,00 kung saan sa pagkakaalam nito ay P10, 00 lang ang regular na pamasahe sa tricycle bawat isa.

Ayon pa sa nag-rereklamo, nagpumilit pa umano ang nasabing driver na bayaran siya ng nasabing halaga.

Dahil dito niyaya niya ang naturang driver na dumiritso nalang sila sa Police Station para doon ayusin ang problema ngunit bago umano sila makarating sa himpilan ng pulis ay huminto umano ang driver sa isang supermarket at nakipag-usap pa sa kaparehong driver tungkol sa nangyaring insidente.

Maliban dito inikot-ikot pa umano sila kung saan-saan bago makarating sa tanggapan ng Boracay PNP.

2 comments:

  1. mali,,pag turista dapat special trip,,may pera yan eh hehe,,sampu daw?weeee makisiksik ka kaya kasabay ng mga taong gaya ko na unggoy at baluga???WAT DA F!!!!!!pag nasa pila yan walang sampu...........okk..........libo nga halaga ng hotel nyo eh,,hakhakhak..........kung di nga busy maaarte pa kayo,,pag wala nga makita sasakyan kahit bobong kung pwde sakyan nyo eh,,tama?hehehe

    ReplyDelete