Friday, January 22, 2016

Pag-operate ng Yellow Submarine sa Boracay pabor kay Island Administrator Sacapaño

Posted January 22, 2016
Ni Inna Carol L. Zambropna, YES FM Boracay

“Wala akong nakikitang dahilan na pwedeng ikasira sa ilalim ng dagat sakaling pahintulutang mag-operate ang Yellow Submarine sa Boracay”.

Ito ang sinabi ni Boracay Redevelopment Task Force (BRTF) Chairman at Boracay Island Administrator Glenn Sacapaño, matapos nitong masaksihan kung paano mag-operate ang Yellow Submarine sa ilalim ng dagat sa ginawang validation kaninang umaga.

Gayundin, sinabi nito na hindi ito makakasira ng coral reefs sa karagatan dahil malayo umano ang operasyon nito mula sa beach area at hindi naman iikot sa buong isla dahil sa ang galaw lamang umano nito ay paatras at paabante na tatagal lamang ng halos 30 minuto sa ilalim dagat.

Aniya, bago tuluyang mag-operate ang Yellow Submarine ay kailangan pa umano itong dumaan sa mga pag-aaral o ibat-ibang proseso.

Dagdag pa ni Sacapaño, hindi lang umano madadagdagan ang aktibidad na pwedeng gawin ng bisita dito sa isla dahil maaari pa nilang makita ang kagandahan ng isla sa ilalim ng karagatan.

Nabatid na ito ang kauna-unahang Yellow Submarine na mag-ooperate sa isla ng Boracay sakaling makapasa ito sa masusing pag-aaral.

Ang Validation ay ginawa kasama ang Philippine Coastguard at mga Stakeholders mula sa BFI at PCCI Boracay. 

No comments:

Post a Comment