Posted January 19, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pormal na humarap kahapon si PCSUPT Bernardo Diaz,
Regional Director ng Police Regional Office 6 sa mga miyembro ng Boracay Action
Group (BAG) kasama si PSSUPT Alfredo Valdez, Deputy Regional Director for
Operation.
Ito’y matapos magpatawag ng meeting si Boracay Action
Group Adviser/Consultant Commodore Leonard Tirol na dinaluhan naman ng
ibat-ibang organic group sa isla.
Present din sa nasabing meeting si PSINSP Nilo Morallos,
Chief ng BTAC, SP01 Christopher Mendoza, PCR PNCO, PINSP Andre Glenn Mangubat
ng PNP Maritime Group, LTG Emerson DIAZ ng PCG-Caticlan/Boracay, Boracay Fire
Station at Philippine Army-Boracay.
Kasama rin dito ang mga Force Multipliers na
kinabibilangan ng (MAP, Tourism Regulatory Enforcement Unit, Kabayan Action
Group, Kabalikat Civicom at PCGA-Boracay, Russel Cruz ng Boracay Water Sports
Association at Mike Labataiao mula sa LGU-Malay.
Tinalakay naman sa nasabing meeting ang pagpapaigting sa
seguridad sa isla ng Boracay lalo na sa area kung saan marami ang mga turista.
Maliban dito, pinasalamatan naman ni PCSUPT Diaz ang BAG
dahil sa maaayos na pangangalaga sa seguridad sa Boracay laban sa ibat-ibang
kreminalidad.
Sa kabilang banda ibinahagi naman ni Tirol sa Regional
Office 6 ang kanilang ginagawang foot patrol kasama ang mga miyembro ng BAG at
ang regular seaborne patrolling sa buong isla ng Boracay.
Samantala, sinabi naman ni Morallos na magkakaroon ng
iisang frequency ng kanilang mga radyo ang lahat ng miyembro ng BAG upang
maging mas mabilis ang operasyon sa pagpapatupad ng seguridad sa isla.
No comments:
Post a Comment