Posted January 21, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Muling binuksan ang usapin sa ika-3rd regular
SB Session ng Malay nitong Martes ang 25+5 meter easement rule sa isla ng
Boracay.
Ito’y matapos ang naging pahayag sa privilege speech ni SB
Member Danilo Delos Santos kaugnay sa nasabing isyu, kung saan may mga napansin
umano itong establisyemento sa beach area boat station 3 na tila lumalabag sa
nasabing easement rule.
Iginiit pa ni Delos Santos na base sa ordinansa ng LGU
Malay na kung hindi ka sumusunod sa setback ay hindi ka makakapag-renew ng
Business at Mayor’s permit.
Dahil dito, nagdesisyon naman ang konseho na ipatawag sa
susunod na session ang Boracay Redevelopment Task Force (BRTF) at ang Building
Officials upang mabigyang linaw kung ano pa ang mga regulasyon sa kanilang
ipinapatupad na easement rule.
Samantala, nakatakda namang magsagawa ng inspeksyon ang
Sangguniang Bayan ng Malay sa building na tinutukoy ni Delos Santos.
No comments:
Post a Comment