Monday, January 18, 2016

Regional Director ng PRO-6 tinutukan ang pagpapatupad ng seguridad sa Ati-Atihan 2016

Posted January 18, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Photo credit to the owner
Pormal na nasaksihan ng Regional Police Director ng PRO-6 ang isinagawang seguridad sa ginanap na Kalibo Santo Niño Ati-Atihan Festival 2016.

Itoy matapos personal na pumunta si Chief Superintendent Bernardo Diaz ng PRO-6 sa bayan ng Kalibo para makita ang pagpapatupad ng seguridad ng mga tao nito sa nasabing event.

Bagamat may mga naitalang maliit na reklamo sa himpilan ng Kalibo PNP ay agad naman itong na-aksyonan sa pwersa ng mga pulis na nakabantay sa kapistahan ni Sr. Santo Niño na isinagawa nitong Enero 8-17, 2016.

No comments:

Post a Comment