Thursday, January 21, 2016

Lalaki kulong matapos magnakaw ng cellphone na itinago sa loob ng kanyang underwear

Posted January 21, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulongHindi makapaniwala ang may ari ng isang restaurant sa isla ng Boracay matapos itong pagnakawan ng sarili nitong trabahador na pinasok pa nito sa kanyang underwear.

Sumbong ng may ari na si Chris Fallorina, 39-anyos sa Boracay PNP, naka-charge umano ang dalawa nitong cellphone sa itaas ng refrigerator ng matuklasan nitong nawawala na.

Dito, nag-hinala ang biktima na kinuha ito ng kanyang staff kung saan agad naman nitong tinawag ang kanyang mga empleyado at doon ay isa-isa niya itong kinapakapan.

Dahil dito, isang empleyado ang kanyang nadiskubrehan na may tinatago itong matigas na bagay sa loob ng kanyang underwear at sa pag-usisa nito ay dito nakita ng biktima ang kanyang nawawalang cellphone.

Agad namang tumawag ng pulis ang biktima at doon ay hinuli ito at dinala sa presinto para imbestighan sa ginawang pagnanakaw na ngayon ay naka-kustudiya na sa Boracay PNP.

No comments:

Post a Comment