YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, January 19, 2016

Jamili ng APPO, pinasalamatan ang mga pulis sa tagumpay ng Ati-Atihan 2016 festival

Posted January 19, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Sa isang linggong selebrasyon ng Ati-Atihan Festival 2016 sa bayan ng Kalibo, ay walang naitala ang mga kapulisan na malalaking insidente kaugnay sa naturang okasyon.

Dahil dito pinasalamatan ni Police Senior Superintendent John Mitchell Jamili, OIC ng Aklan PPO sa ginawang send off ceremony kahapon ng umaga ang mga kapulisan na na-augment sa nasabing kapistan ni Sr. Sto. NiƱo.

Bukod sa Aklan PNP pinasalamatan din nito ang mga stakeholders na tumulong para maging mapayapa ang selebrasyon ng Ati-Atihan Festival.

Maliban dito, binanggit din ni Jamili sa kanyang speech ang mga Aklanon, Balikbayan at mga turista na nakipag-cooperate sa matiwasay na okasyon at sa pagsunod sa mga regulasyon at panuntunan ng Aklan PNP at ng LGU Kalibo.

Nabatid na walang naitalang major crimes at insidente kaugnay sa Ati-Atihan sa loob ng isang linggong selebrasyon.

Si Jamili ay bagong upong OIC ng APPO nitong nakaraang linggo mula sa Region 6 kapalit ni PSSUPT Iver Apellido.

No comments:

Post a Comment