Friday, January 22, 2016

25+5 easement rule violator sa Boracay dumaan na umano sa validation

Posted January 22, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Dumaan na umano sa validation ng Department of Environmental and Natural Resources (DENR) ang 25+5 meter easement rule violator sa Boracay.

Ito ang sinabi ni BRTF Secretary Mabel Bacane, kung saan may 297 listing umano sila ngayon ng mga establisyemento sa beach area na kasama sa nasabing easement rule.

Ayon kay Bacane ang bilang umanong ito ay nabigyan na ng substantial ng DENR kung sino ang na-validate o hindi pa na-validate.

Sinabi pa ni Bacane na meron umanong buwan na tumataas ang bilang nito at may bumababa naman dahil sa patuloy na construction.

Samantala, nabatid na ang lalabag sa 25+5 easement rule ay makakatanggap ng notice sa BRTF at kung hindi sila mag se-self demolish ay ang BRTF umano ang siya mismong gagawa ng aksyon.

No comments:

Post a Comment