Thursday, January 21, 2016

Pagkuha ng Police Clearance ililipat na sa Boracay

Posted January 21, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for police clearance Unit ng Malay na ibalik pansamantala ang pagkuha ng Police Clearance sa isla ng Boracay. 


Ito’y matapos makatanggap ng reklamo ang LGU mula sa mga manggagawa sa isla dahil sa kailangan pa nilang tumawid ng mainland at gumastos ng mahal upang makakuha ng police clearance na dating sa isla lamang na-proproseso.

Ayon naman kay Brgy. Captain Lilybeth Sacapano ng Balabag, hiniling din umano nila ito kay Mayor John Yap na ngayon ay pinagbigyan na rin.

Sinabi din ng kapitana na may inilaan na umano silang area sa Brgy. Hall kahit na ito ay nasa ilalim pa ng renovation para lamang ma-cater ang mga kumukuha ng clearance ngayong renewal.

Sa kabila nito inaayos na rin ng pamunuaan ng Malay PNP ang nasabing area kung saan ang tauhan din nila ang mamalakad nito simula bukas.

Nabatid na ang kailangan lamang mag-process ng Police Clearance ay Municipal Police Station at hindi kagaya ng Boracay Tourist Assistance Center na isang Mobile Station na para lamang sa mga turista.

No comments:

Post a Comment