Saturday, January 23, 2016

California USA media group RecordNet, kinilala ang Boracay bilang most beautiful tropical beaches in the World for 2016

Posted January 23, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Isa na namang pagkilala ang nakuha ng isla ng Boracay bilang most beautiful tropical beaches in the World for 2016.


Ito ay base sa datos ng California USA media group RecordNet kung saan tanging ang Boracay lamang ang nakapasok mula sa Pilipinas.

Dahil dito naging tanyag naman ang #ConsistentlyBeautifulIsland dahil sa sunod-sunod na pagkilala sa isla ng Boracay.

Samantala, base naman sa Department of Tourism ang Boracay umano ay nasa top drawer para sa international tourists ngayong 2016 kung saan tinawag din itong "Crown Jewel of Philippine Islands" ng DOT.

No comments:

Post a Comment