Monday, January 18, 2016

Kalibo, kinilala bilang top 3 emerging destination 2016 ng mga Singaporeans

Posted January 18, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Isa umanong karangalan para sa bayan ng Kalibo, Aklan ang makilala bilang ika-top 3 destination ng mga Singaporeans.

Ito ay base sa data mula sa Global travel engine Skyscanner kung saan ang Kalibo ay napabilang sa emerging destination sa buong mundo matapos makitaan ng paglago ang bayan base sa kanilang ginawang pag-aaral simula noong 2012 hanggang 2015.

Nangunguna naman rito ang Phu Quoc sa Vietnam at sinundan ng Paros sa Bhutan habang nasa ika-apat na puwesto ang Reykjavik sa Iceland; ika-lima ang Shenyang sa China; pang-anim ang Sapporo sa Japan; pang-pito naman ang Nagoya; habang sumunod naman ang Osaka Japan sa ikawalong puwesto at pang-siyam ang Hobart sa Australia at ika-sampu ang Tokyo sa Japan.

Nabatid na kinilala din ang Kalibo dahil sa tanyag na Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Festival o mas kilala sa tawag na “Mother of All Philippine Festival” na ipinagdiriwang tuwing ikatatlong linggo sa buwan ng Enero.

Samantala, umaasa naman ang Local Government Unit ng Kalibo na hindi lang mga turistang Singaporean ang makakakilala sa kanila kundi maging sa ibat-ibang parti pa ng mundo.

No comments:

Post a Comment