Friday, January 22, 2016

23 anyos na lalaki, kulong matapos suntukin ang katrabaho

Posted January 22, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for lalaki kulongKulong ang isang 23- anyos na lalaki matapos nitong suntukin ang katrabaho sa Station 2, Brgy. Balabag, Boracay kagabi.

Sa report ng Boracay PNP, nag-iinuman umano ang biktimang si Ryan Leccio 30-anyos isang Kitchen Helper at ang suspek na si Nico Abella 23- anyos na isa namang Kitchen Staff at kapwa nag-tatrabaho sa isang hotel ng bigla nalang nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.

Napag-alaman na tinanong lamang umano ng biktima kung saan ang kaibigan nitong babae ngunit agad umano siyang sinuntok ng inirereklamo nito na tumama sa kanyang kaliwang kilay.

Dahil dito, agad namang na-aresto ng mga pulis ang suspek at ngayon ay pansamantalang naka-kustudiya sa himpilan ng Boracay PNP Station.

No comments:

Post a Comment