Tuesday, January 19, 2016

41- anyos na babae sinaksak ang kainumang lalaki

Posted January 19, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for sinaksakIsang matapang na 41-anyos na babae ang inireklamo matapos manggulo sa isang compound sa Sitio Hagdan Brgy. Yapak, Boracay.

Sumbong ng biktimang si Anthony Jimenea 42- anyos sa Boracay PNP, nag-iinuman umano sila sa labas ng kanilang bahay kasama ang mga kaibigan nito ng makisabay sa kanila ang inirereklamo na si “Ima” kung saan kinuha umano nito ang cellphone ng una at binabasa ang mga message kung saan bigla na lamang umano itong nagalit.

Mabilis naman umanong kumuha ang suspek ng kutsilyo sa kusina at sinaksak ito sa biktima ngunit mabuti nalang umano at baluktot ito kung saan bahagya lang siyang nasugatan sa kanyang tagiliran.

Dahil dito, tinulak ng biktima ang suspek ngunit kinagat umano siya sa dibdib ng suspek at kinalmot pa ang mukha kung saan binantaan pa nito ang kanyang buhay.

Samantala, ang kaso ay ini-refer na sa Brgy, Justice System ng Yapak sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment