YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, January 20, 2016

MDRRMO nagsagawa ng ICS Training bilang paghahanda sa ibat-ibang insidente

Posted January 20, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Nagsagawa ng tatlong araw na Basic Incident Command System (ICS) Training ang Municipal Risk Reduction Management Office (MDRRMO) para sa paghahanda sa mga ibat-ibang insidente partikular sa kalamidad.

Ayon kay Head Officer Marlo Schonenberger ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Malay, layun umano ng kanilang programa ay para matulungan at mabigyan ng kaalaman ang mga tao sakaling magkaroon ng mga sakuna at maging handa ang mga ito na maprotektahan ang kanilang buhay.

Naging parti naman umano sa kanilang ginawang training ang ibat-ibang Head ng Municipal Government Offices sa Malay na kinabibilangan ng PNP, Philippine Army, Philippine Coast Guard, Philippine Navy, Philippine Maritime, Consultant  ng ibat-ibang grupo katulad ng Boracay Action Group, Boracay Fire Rescue Ambulance Volunteers, Transportation group at iba pang mga kooperatiba.

Ang nasabing training ay nagsimula nitong Enero 18 at nagtapos ngayong hapon Enero 20 na ginanap sa Eurotel, Balabag, Boracay Station 2.

No comments:

Post a Comment