Monday, January 18, 2016

Kaso ng dengue sa Aklan nitong 2015 bumaba kumpara noong 2014

Posted January 18, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for dengue feverBumaba ngayong taong 2015 ng 33.35% ang naitalang kaso ng dengue sa probinsya ng Aklan kumpara sa nakalipas na taong 2014.

Ito base sa datos ng Aklan Provincial Epidemiology Surveillance and Response Unit (APESRU) kung saang naitala noong 2015 ang 1,137 na kaso kumpara noong 2014 na 1,706.

Maliban dito wala namang naitalang namatay ang APESRU dahil sa dengue nitong 2015 hindi katulad noong 2014 na merong dalawa ang binawian ng buhay.

Kaugnay nito, nangunguna parin ang mga bayan ng Kalibo sa may pinakamaraming kaso ng dengue sa Aklan na sinundan naman ng Numancia at bayan ng Malay.

Samantala, pinayuhan ngayon ng Provincial Health Office ng Aklan ang publiko na panatilihin ang paglilinis sa kanilang mga lugar upang maiwasan ang dengue kasama na ang pagsunod sa mga panuntutin kung nakakaranas ng mga sintomas nito.

No comments:

Post a Comment