Wednesday, January 20, 2016

Suspek sa minor rape case arestado sa Boracay

Posted January 20, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for arrestadoArestado ng pinagsamang pwersa ng Boracay PNP ang isang 19-anyos na suspek sa panggagahasa sa 16-anyos na menor-de-edad na babae sa isla ng Boracay.

Nakilala ang akusadong si Jerry Boy Banania ng Sitio Ambulong, Barangay Manocmanoc, Boracay kung saan inisyuhan ito ng Warrant of Arrest para sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa.

Base sa imbestigasyon ng mga kapulisan, ang biktima umanong itinago sa pangalang “Crystal” ay pinilit ng suspek na sumakasy sa motorsiklo na kanyang minamaneho at sinasabing nasa ilalim ng nakakalasing na inumin.

Nabatid na dinala ng suspek ang biktima sa Tambisaan Beach at doon ginahasa bandang alas-dose ng hating gabi noong Hunyo 15, 2015.

Ang suspek ay naaresto habang gumagawa ng sandcastle sa beach front ng Boracay na kanyang pinagkukunan ng income.

No comments:

Post a Comment