Monday, January 25, 2016

Huling SOPA ni Gov. Miraflores bago ang eleksyon sa February 3 na

Posted January 25, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Governor Miraflores
Ngayong darating na Pebrero 3 na ang ikatlo at huling State of the Province Address (SOPA) ni Aklan Governor Florencio Miraflores bago ang eleksyon sa Mayo.


Sa ipinadalang kalatas ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan, ang SOPA umano ay isasabay sa ika-5th SP Regular Session.

Nabatid na tatakayin sa SOPA ng gobernador ay ang mga bagong proyekto ngayong 2016 kasama na rito ang annual budget ng probinsya.

Maliban dito inaasahan ding babanggitin ni Miraflores ang pagkilala sa Aklan bilang Philippines No.1 revenue generating province sa bansa kabilang na ang paglago ng turismo ng Boracay.

Samantala, ngayon pa lamang ay naghahanda na ang Presiding Officer ng mga Board Members sa Aklan na si Vice Governor Gabrielle Calizo-Quimpo kung saan ilang personalidad rin ang inimbitahan mula sa ibat-ibang departamento ng gobyerno para saksihan ang nasabing SOPA

No comments:

Post a Comment